DDE TRAINING DDE TRAINING


Training On The Accreditation Of Physicians To Diagnose, Treat And Manage Persons Who Use Drugs

Magandang Araw QCItizens!

Ang Quezon City Anti-Drug Abuse Advisory Council, katuwang ang Quezon City Peace and Order and Public Safety (POPS), Quezon City Health Department at Department of Health – Treatment and Rehabilitation Center – Bicutan ay nagsagawa  ng Training on the Accreditation of Physicians to Diagnose, Treat and Manage Persons Who Use Drugs noong October 2-6, 2023 sa Cocoon Boutique Hotel.

Ang unang batch of trainees ay mga doctor mula sa ating Quezon City Health Department na dumalo sa komprehensibong 5 araw na training. Sila rin ay bumisita at nagkaroon ng Drug Dependency Examination simulation sa Quezon City Drug Treatment and Rehabilitation Center.

Ang layunin ng training na ito ay upang maging mas mabisa, madali at mapabilis ang pagbibigay ng serbisyo para sa ating mga Persons Who Use Drugs.

Taos puso ang aming pasasalamat sa Quezon City Health Department at sa Department of Health – Treatment and Rehabilitation Center – Bicutan.

Pagbati rin sa mga doktor na nakapagtapos sa training!

Partner Agencies