Consultative Meeting With Human Legal Assistance Foundation, Inc. (HLAF)
Magandang Araw, QCitizens!
Noong September 12, 2024 nagkaroon ng isang Consultative Meeting ang Quezon City Anti-Drug Abuse Advisory Council (QCADAAC) kasama ang Human Legal Assistance Foundation, Inc. (HLAF) para sa Reintegration Program para sa Persons Restored to Liberty (PRL).
Ang HLAF ay isang organisasyong tumutulong sa mga Persons Deprived of Liberty sa pamamagitan ng pagtulong sa pag-follow up ng kanilang mga kaso sa korte, at pagbibigay ng suporta sa kanilang muling pagbangon pagkatapos lumaya.
Alinsudod sa Quezon City Ordinance SP No. 3235 s. 2023, kung saan nakasaad ang Social Reintegration Program, sinuportahan ng QCADAAC ang programa ng HLAF para sa mga PRLs. Nais ng QCADAAC na magkaroon ng programa at sistema sa mga barangay para masiguro ang soialk reintegration ng mga PRLs sa komunidad.
Dinaluhan ang miting ng mga Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) Focal Persons, at mga kinatawan mula sa Quezon City Health Department (QCHD) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Social Services Development Department (SSDD) at Department of Interior and Local Government (DILG).