Katatagan, Kalusugan At Damayan Ng Komunidad (KKDK) For Kids And General Intervention On Health And Well-Being Awareness Program
Magandang Araw, QCitizens!
Nagkaroon ng training para sa mga bagong recovery coaches ng programang Katatagan, Kalusugan at Damayan ng Komunidad (KKDK) for Kids at General Intervention on Health and Well-Being Awareness Program noong September 24-27, 2024 sa Quezon City Hall, ito ay sa pangunguna ng Quezon City Anti-Drug Abuse Advisory Council.
Ang KKDK Kids ay programa para sa mga Kabataang gumagamit ng droga o Children who use Drugs (CWUDs) at ang General Intervention naman ay para sa mga Persons who use Drugs (PWUDs) na may low risk level ayon sa kanilang screening.
Ang karagdagang recovery coaches ay malaking tulong para mas maraming kliyente ang ating maabot at maserbisyuhan sa ating lungsod.
Pagbati para sa mga nakatapos ng pagsasanay!