BIDA Ka DaBarkads!
Magandang Araw, QCitizens!
Bilang bahagi ng selebrasyon ng 2024 Drug Abuse Prevention and Control Month na may temang “BIDA KA DABARKADS! Takbo Laban sa Droga: Malusog na Pangangatawan at Matalas na Kaisipan,” magkakaroon ng YOUTH FUN RUN ang mga mag-aaral ng Quezon City Public Junior at Senior High Schools sa Quezon Memorial Circle.
Ang nasabing programa ay gaganapin sa Nobyembre 16, 2024 (Sabado), mula 4:00 AM hanggang 10:00 AM. Isasara ang dalawang inner lane ng Elliptical Road, kaya inaabisuhan ang mga motorista na gumamit ng mga alternatibong ruta para sa maayos na daloy ng trapiko. Bagamat inaasahan ang pansamantalang mabagal na daloy ng trapiko, tinitiyak na ang mga hakbang na ito ay para sa kaligtasan at kaayusan ng mga kalahok at motorista.
Nakaantabay ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Traffic and Transport Management Department (TTMD), at Department of Public Order and Safety (DPOS) upang masiguro ang kaligtasan at maayos na daloy ng trapiko sa paligid ng lugar. Pinahahalagahan namin ang inyong pag-unawa at suporta para sa tagumpay ng makabuluhang aktibidad na ito.
Maraming salamat sa inyong pakikiisa.