Declaration of Cooperation Declaration of Cooperation


Declaration Of Cooperation

Magandang Araw, QCitizens!

Papalakasin pa ng Pamahalaang Lungsod ng Quezon ang kanilang mga programa para sa mga kababaihang dating gumagamit ng droga (RWWUDs) upang matulungan silang makabalik sa komunidad nang may dignidad at seguridad. Upang isulong ito, noong Nobyembre 11, 2024, lumagda sina Mayor Joy Belmonte, Vice Mayor Gian Sotto, Daniele Marchesi, Country Director ng United Nations Office on Drugs and Crime (UNODC), at Ms. Shella Marquez, National Programme Officer ng UNODC Philippines, sa isang Declaration of Cooperation. Ang layunin ng kasunduang ito ay palakasin ang mga inisyatibo para sa mga kababaihan, lalo na sa mga person deprived of liberty (PDL) at people who use drugs (PWUDs).

Sa pakikipagtulungan ng UNODC, sisiguraduhin ng lungsod na may sapat na suporta, gaya ng mga oportunidad at livelihood package, na makakatulong sa mga kababaihan na iwasan ang muling pagbabalik sa pagbebenta o paggamit ng ilegal na droga. Ang mga programang ito ay naglalayong magbigay ng pangmatagalang solusyon sa mga isyu ng rehabilitasyon at reintegrasyon sa lipunan, upang matulungan ang mga kababaihan na muling makabangon at maging produktibong miyembro ng kanilang komunidad.

Partner Agencies