BIDA Ka DaBarkads! Takbo Laban Sa Droga
Magandang Araw QCitizens!
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng 2024 Drug Abuse Prevention and Control Month, isinagawa ng Quezon City Anti-Drug Abuse Advisory Council ang ikalawang "BIDA Ka daBarkads! Takbo Laban sa Droga: Malusog na Pangangatawan at Matalas na Kaisipan," na binuksan para sa publiko. Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng isang pagtatanghal mula sa E. Rodriguez Jr. High School Chorale na pinamunuan ni Mr. Jonathan Vinluan, kasunod ang isang Zumba warm-up. Ang mga estudyanteng nakibahagi ay nakatanggap ng mga freebies mula sa ating mga kapartner at nakasali sa mga raffle prize.
Ang ating fun run ay nilahukan ng mga park goers at mga dumaan na nagbigay-sigla at nagbigay daan sa tagumpay ng programa. Pinasasalamatan din ang mga nagbigay ng kanilang mensahe: Ms. Victoria Sorne ng Dangerous Drugs Board, Dir. Emerson Rosales ng Philippine Drug Enforcement Agency, at PltCol. Rommel Labalan ng Quezon City Police District. Taos-puso rin ang aming pasasalamat sa mga sumuporta sa fun run: World Balance, Colgate, Rebisco, Leslie’s, Manila Water, Department of Agriculture – Bureau of Animal Industry, at Dangerous Drugs Board.
Narito ang ating mga winners:
Male Category:
1st Place – Arnel Derigay
2nd Place – Veloso Tom
3rd Place – Vicente Montojo
Female Category:
1st Place – Tijam Auxtero
2nd Place – Clarita Cabanganan
3rd Place – Analyn Bancaco
Muli, maraming salamat sa lahat ng nakiisa at sumuporta!