Events
5TH NBKDC Theme: YOUnited For Transformation And Health Through Knowledge, Attitude, And Skills Improvement
5TH NBKDC Theme: YOUnited for Transformation and Health through Knowledge, Attitude, and Skills Improvement #YOUTHKASI
Recap DAY 1: Simula ng Isang Makabuluhang Paglalakbay
Matagal nating hinintay ‘to—finally, ang 5th National Barkada Kontra Droga Convention! Isang solid na pagkakataon para magsama-sama ang kabataang leaders mula sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas para sa iisang layunin: palakasin ang laban kontra droga!
Sinimulan natin ang convention sa isang energized at makabuluhang opening program:
Parade of Participants – ipinakita ang lakas at unity ng bawat delegasyon, na mas lalong pinasaya ng Kasadyahan Dance Troupe sa kanilang energizing performance ng Tayo ang Quezon City!
Entrance of Colors – pinangunahan ng Boy Scout of the Philippines - Quezon City
Inspirational Messages mula sa ating esteemed speakers:
Hon. Gian Carlo G. Sotto
Dr. Carleen S. Sedilla, CESO V
Usec. Earl P. Saavedra, CESO I
Sec. Oscar F. Valenzuela
Sa unang araw, nagkaroon tayo ng Values Reorientation and Spirituality session kasama si Fr. Eric S. Ollague, OFM. Dito natin na-realize kung gaano kahalaga ang moral values at spirituality sa ating journey bilang mga youth leaders at advocates ng Barkada Kontra Droga.
Grabe, Day 1 pa lang pero punong-puno na agad ng learnings at inspiration! Excited na for the next sessions!