Quezon City Anti-Drug Abuse Advisory Council The QCADAAC is the lead agency in Quezon City tasked with the implementation of a total and integrated program designed to curb the drug abuse problem.


Events

Advocacy Fun Run

Advocacy Fun Run

Date:
June 28, 2025
Venue:
Quezon Memorial Circle

Bilang bahagi ng selebrasyon ng 2025 International Day Against Drug Abuse & Illicit Trafficking, magkakaroon ng ADVOCACY FUN RUN sa Quezon Memorial Circle.

Ang nasabing programa ay gaganapin sa Hunyo 28, 2025 (Sabado), mula 4:00 AM hanggang 10:00 AM. Isasara ang dalawang inner lane ng Elliptical Road, kaya inaabisuhan ang mga motorista na gumamit ng mga alternatibong ruta para sa maayos na daloy ng trapiko. Bagamat inaasahan ang pansamantalang mabagal na daloy ng trapiko, tinitiyak na ang mga hakbang na ito ay para sa kaligtasan at kaayusan ng mga kalahok at motorista.

Nakaantabay ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Quezon City Police District (QCPD), Traffic and Transport Management Department (TTMD), Task Force Disiplina (QCTFD), Department of Public Order and Safety (DPOS) at Quezon City Department of Public Order and Safety (QC-DPOS) upang masiguro ang kaligtasan at maayos na daloy ng trapiko sa paligid ng lugar. Pinahahalagahan namin ang inyong pag-unawa at suporta para sa tagumpay ng makabuluhang aktibidad na ito.

Maraming salamat sa inyong pakikiisa.


Partner Agencies