Events

SCREENING, BRIEF INTERVENTION AND REFERRAL TO TREATMENT (SBIRT) TRAINING
Nagkaroong ng Screening, Brief Intervention and Referral to Treatment (SBIRT) Providers Training para sa mga barangay representatives mula sa District 1.
Ang Screening, Brief Intervention and Referral to Treatment ay programa ng Department of Health, katuwang ang United States Agency for International Development (USAID) RenewHealth. Layunin ng Trauning na magkaron ng dagdag na kwalipikadong SBIRT Provider para sa lungsod.
Ang training na ito ay pinangunahan ng ating mga Certified DOH Accredited DOH Provider and Trainers mula sa Quezon City Anti-Drug Abuse Advisory Council at si Ms. Fessa Egusquiza mula sa USAID RenewHealth.
Salamat rin kay Ms. Christella Buen, Action Officer ng QCADAAC sa pagpapaunlak na maisagawa ang programang ito, gayundin ang pasasalamat kay Mr. Alfredo Foronda, Executive Director ng QCADAAC sa pagbibigay mensahe sa ating mga kalahok.
Sama-sama at tulong-tulong tayo sa ating adbokasiya na #drugfreeQC.