Events
![PWUDs GRADUATION](https://d17eb7cu37mtjb.cloudfront.net/events/mSbzOPxU-PWUDs graduation.jpg)
PWUDs GRADUATION
Nagkaroon ng graduation ang mga nakatapos ng intervention sa Community Based Drug Rehabilitation Program para sa mga PWUDs noong April 30, 2022, araw ng Sabado.
Sa pangunguna ang ating Vice Mayor, Hon. Gian G. Sotto, idinaos ang nasabing programa na may humigit kumulang 700+ PWUDs na dumalo. Kasama rito sina Director Christian Frivaldo – PDEA Regional Director, Plt. Col. Benjamin Ariola – OIC, DCADD-QCPD, Dr. Ivanhoe Escartin – Deputy Chief of Party, USAID RenewHealth Project, Mr. Richard Quiambao – AKAP Ministry of the Diocese of Novaliches, at Mr. Alfredo M. Foronda – QCADAAC Executive Director, at iba pang mga imbitadong bisita tulad ng mga Punong Barangay, Barangay Council and Staff, at mga BADAC Focal Persons.
Binigyan diin rito ni Vice Mayor Gian Sotto ang kahalagahan ng 3Ps – ang PANININDIGAN, PAG-IBIG at Pag-ASA. Nagbigay rin ng mensahe ang ilang bisita, at isang testimonial speech ang pinakinggan sa ceremony na siyang nagbigay inspirasyon para sa mga PWUDs.
Maraming salamat sa mga taong patuloy na sumusuporta sa mga programa ng ating lungsod. At gayundin ang pasasalamat sa mga nagtulong-tulong upang maisagawa ang ating programa, Special Drug Education Center (SDEC) Point Person and Facilitators, QCADAAC Admin, Drug Test Team, Plea Bargaining Team, Drug Clearing Team, at Drug Abuse Prevention Education Team, sa pamumuno ni Ms. Christella Buen – Action Officer ng QCADAAC at Mr. Clint Gamboa – Administrative Officer ng QCADAAC.