Events
DILG VISITS QUEZON CITY LGU FOR BENCHMARKING STUDY
Bumisita sa atin ang Department of Interior and Local Government (DILG) para sa benchmarking study ng implementasyon ng mga LGU ng Community Based Drug Rehabilitation Program (CBDRP), noong May 4, 2022. Ang ang ating lungsod ang kauna-unahang binisita ng DILG para sa benchmarking.
Layunin ng programang ito na malaman ang mga best practices, suliraning kinahaharap, gaps at mga policy solutions sa pagsasagawa ng mga plano at pagsusuri ng CBDRP.
Nagbahagi si Ms. Christella Buen – Action Officer ng QCADAAC ng mga nakapaloob na programa sa General Intervention, CBDRP, at Intensive Outpatient Program, mga datos ng enrollees at graduates, mga assessment tools at libro o modules na gamit at mga nagdaang SBIRT Trainings. Naganap din ang pagsusuri ng mga datos sa pagitan ng QCADAAC at DILG. Nagkaroon rin ng on-site visitation sa Special Drug Education Center (SDEC) sa Masambong at sa Quezon City Drug Treatment and Rehabilitation Center (QCDTRC-TAHANAN).
Nagpapasalamat ang QCADAAC, sa pamumuno ni Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto sa inisyatibong ito ng DILG sa pangunguna ng kanilang Director na si Dir. Emmanuel Borromeo at sa lahat ng mga dumalo at sumuporta: DILG-Bureau of Local Government Supervision (BLGS), DILG-Philippine Anti-Illegal Drug Strategy (PADS), DILG-Quezon City, Social Service Development Department, Quezon City Health Department at City Administrator.
Sa ating pagtutulong-tulong kaya nating maabot ang #drugfreeQC!