Events
2024 Strengthening Institutional Capacities Of Barangay Anti-Drug Abuse Council (SICAP BADAC) For District 4
Magandang Araw QCitizens!
Nagkaroon ng 2024 Strengthening Institutional Capacities of Barangay Anti-Drug Abuse Council (SICAP BADAC) para sa District 4 barangays, noong January 25 Quezon City Experience, Quezon Memorial Circle.
Layunin ng SICAP-BADAC na mapalakas ang kakayahan ng Barangay Anti-Drug Abuse Council o BADAC sa pamamagitan ng pagbibigay ng kinakailangang kaalaman, kasanayan at pag-uugali upang maipatupad ng mabisa ang kanilang mga tungkulin at responsibilidad kaugnay sa Barangay Drug Clearing Program, Drug Prevention Program, Community-Based Drug Rehabilitation Program at After-Care and Reintegration Program.
Dinaluhan ito ni Vice Mayor Gian Sotto at nagbigay ng mga paunang mensahe na siyang nagbigay ng inspirasyon sa mga kalahok. Kabilang dito, ang ating mga mahuhusay na speakers, Dir. Emmanuel Borromeo at Mr. Pedy Friginal mula sa Department of the Interior and Local Government, IA 1 Rhea Valenzuela-Bohol mula sa Philippine Drug Enforcement Agency, PMAJ. Ervin S. Ballesteros at PCPT. Rowell A. Costillo mula sa Quezon City Police District, Ms. Fessa Egusquiza mula sa USAID Renewhealth at Ms. Christella Buen mula sa Quezon City Anti-Drug Abuse Advisory Council.