Events
Orientation On Intervention Programs For Plea Bargainers
Magandang Araw QCitizens!
Ang Quezon City Anti-Drug Abuse Advisory Council ay nagsagawa ng Orientation para sa mga Plea Bargainers na sasailalim sa Intensive Out-Patient Program noong February 27, 2024 sa Quezon City Hall Plaza.
Mahigit 400 ang dumalo na PWUDs kasama ang kanilang mga kamag-anak sa orientation kung saan ipinaliwanag ang mga Rules and Regulation habang sila ay nasa programa.
Nagbigay din ng mensahe sina Officer Manolo Borces– Parole & Probation Administration Office, Jail Superintendent Michelle Bonto at Jail Chief Vinay Abrazado – Quezon City Jail Male and Female Dorm, Investigation Agent Beltran Lacap ng Philippine Drug Enforcement Agency, PCOL Benjamin Ariola mula sa Quezon City Police District, Dr. Ivan Hoe Escartin mula sa USAID RenewHealth at Ms. Christella Buen – Action Officer ng Quezon City Anti-Drug Abuse Advisory Council.
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa sa programa para sa kinabukasang walang droga!