Events
2024 Women's Month Celebration: "Kababaihan: Isulong Ang Magandang Kinabukasan"
Magandang Araw QCitizens!
Bilang selebrasyon sa 2024 Women’s Month, ang Quezon City Anti-Drug Abuse Advisory Council at ang United States Agency for International Development (USAID) ay nagsagawa ng isang Pamper Day para sa halos 100 PWUDs na nakatapos na ng ating intervention programs.
Salamat sa ating mga partners at sponsors na nagbigay ng kanilang libreng serbisyo tulad ng haircut, massage, facial, make-up, pre-loved clothing items, mga free samplers na gatas, kape, oils, atbp, grocery boxes, at mga information booth mula sa Small Business and Cooperatives Development Promotions Office na makakatulong sa kanilang business ideas.
Kami ay taos pusong nagpapasalamat sa USAID RenewHealth at ReachHealth sa isang napakagandang kolaborasyon na ito para sa ating QCitizens, gayundin sa lahat ng aming mga kliyente na sumali at nakiisa.
Muli, Happy Women’s Month, QCitizens!