Events
Strong Families Program - Brgy. San Martin De Porres
Magandang Araw QCitizens!
Inilunsad ng QCADAAC ang Strong Families Program sa mga napiling pamilya sa Barangay San Martin De Porres. Ang Strong Families Program ay binuo ng United Nations Office on Drugs and Crime (UNODC) upang maituro ang Family Skills Training sa Pamilyang Pilipino.
Ang Strong Families Program ay may tatlong (3) sessions kung saan ipinagtitibay ang “mental health” ng mga kabataan, pinagsasanay ang mga kapamilya bilang isang caregiver at makapagbigay ng adjustment skills na makatutulong sa pagharap ng pamilya sa mahirap na sitwasyon tulad ng pandemya na ating kinakaharap.
Maraming salamat sa mga pamilyang dumalo at nakatapos sa programa. Salamat din sa ating mga trained facilitators sa paggabay sa ating mga naimbitahang pamilya. Gayundin ang aming pasasalamat kay Punong Barangay Mervin Viray sa pagtanggap at suporta sa programa.
Abangan ang Strong Families Program sa inyong Barangay!