Quezon City Anti-Drug Abuse Advisory Council The QCADAAC is the lead agency in Quezon City tasked with the implementation of a total and integrated program designed to curb the drug abuse problem.


Events

QCADAAC Staff Development Seminar

QCADAAC Staff Development Seminar

Date:
August 1, 2024 - August 2, 2024
Venue:
Ardenhills Suites, Quezon City


Magandang Araw QCitizens! 

Nagdaos ang Quezon City Anti-Drug Abuse Advisory Council ng “Achieving Great Heights in Public Service: QCADAAC Staff Development Seminar” para sa mga empleyado noong August 1 and 2, 2024 sa Ardenhills Suites, Quezon City. 

Layunin nito na ipaalam sa lahat ng staff ang napagusapan sa strategic planning na ginanap noong July 11-13. Gayundin ay nag imbita ng resource person mula sa Quezon City Climate Change Department upang bigyang kamalayan ang bawat isa ukol sa importansya ng pangangalaga sa kalikasan, na siyang dapat ding sinisimulan sa loob ng kaniya-kaniyang opisina. Inimbitahan din si Atty. Ramon Conducto upang palalimin ang kaalaman ng bawat isa sa batas ukol sa pagiging isang kawani ng gobyerno at si Bishop Little Jones Espeleta para sa isang values seminar mula sa Beyond Success.

Personal ding pumunta si Vice Mayor Gian Sotto upang magpaabot ng mensahe at magbigay inspirasyon sa lahat. 

Muli, maraming salamat sa lahat ng nagbigay ng kanilang araw at oras upang palakasin at bigyang halaga ang ating mga ginagampanang tungkulin.


Partner Agencies