Quezon City Anti-Drug Abuse Advisory Council The QCADAAC is the lead agency in Quezon City tasked with the implementation of a total and integrated program designed to curb the drug abuse problem.


Events

Building Drug-Free Workplaces: Empowering Businesses and Workers for a Healthier Future.

Building Drug-Free Workplaces: Empowering Businesses And Workers For A Healthier Future.

Date:
August 13, 2025 - August 14, 2025
Venue:
Sequoia Hotel

Magandang araw, QCitizens at QC Biz Owners!

Inaanyayahan po namin kayo, mga masisipag na business owners at HR practitioners na makibahagi sa Quezon City 3rd Drug-Free Workplace Summit na may temang "Building Drug-Free Workplaces: Empowering Businesses and Workers for a Healthier Future."

Ito ay isang espesyal na pagkakataon upang sama-sama tayong matuto, magplano, at magtaguyod ng mas ligtas, malusog, at masiglang mga lugar ng trabaho para sa ating mga empleyado at komunidad. Alinsunod sa QC Ordinance No. SP-2791, s. 2018 at sa Dangerous Drugs Code ng Quezon City (Article XI, Section XV), layunin ng summit na magbigay ng makabuluhang kaalaman, makabagong estratehiya, at kapaki-pakinabang na resources para sa bawat negosyo.

Partikular din nating bibigyang-tuon ang mga industriyang gaya ng KTV bars, nightclubs, super clubs, spas, massage parlors, disco houses, bars and restaurants, BPOs, transportasyon, at construction bilang bahagi ng isang mas malawak na adbokasiya para sa workplace wellness at employee well-being.

Kung ang inyong negosyo ay may 10 o higit pang empleyado, inaanyayahan po namin kayong makiisa at maging katuwang sa pagtataguyod ng mas maayos na kinabukasan para sa ating workforce.

Tara na’t makibahagi!
Para sa registration, i-click lamang ang link: https://forms.gle/FXnM6VX3rWmMQpja9 


Partner Agencies