Misyon ng Drug Abuse Preventive Education ang pagsulong ng edukasyon sa nasasakupan ng Quezon City, sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga lecture sa iba’t ibang sector at mamamayan.
Ang pagsasagawa ng mga seminar, webinar, skills training at marami pang iba upang matugunan ang mga isyu na may kaugnayan sa droga sa iba’t ibang mga kliyente tulad ng mga mag-aaral, guro, mga empleyado sa pampubliko at pribadong organisasyon, mga pamilya, mga opisyal at kawani ng barangay, Sangguniang Kabataan, pangkalahatang komunidad at para sa ating mga Persons Who Used Drugs (PWUDs). Ang DAPE ay nakikipagtulungan sa iba’t ibang sector upang maisulong ang pagbibigay ng mga katotohanan at impormasyong nakabatay sa mga pag-aaral at ebidensya.
Isa rin sa mga pangunahing tungkulin ng DAPE ay ang pagsasagawa ng mga akbidad at programa ukol sa selebrasyon ng International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking (IDADAIT) na idinaraos tuwing June 25 kada taon at ang Drug Abuse Prevention and Control Month kung saan naman ay idinaraos tuwing buwan ng Nobyembre.