Ang Drug Dependency Examination (DDE) ay isang uri ng Assessment upang matukoy ang severity ng pag-abuso sa droga. Ang DDE ay karaniwang ibinibigay sa mga taong nakakuha ng resulta na “HIGH RISK”sa initial screening. Ang DDE ay isinasagawa ng isang DOH Acccredited Physician.
Para Kanino:
- Para sa mga surrenderers na nakakuha ng resulta na “HIGH RISK”sa initial screening.
- Para sa mga inaresto sa paglabag sa Section 15 ng RA 9165
- Para sa mga PWUDs na kumuha ng Plea Bargaining arrangement ayon sa Supreme Court En Banc decision G.R. No. 226679, dated August 15, 2017.
Proseso:
- Pagkatapos ng evaluation at assessment, ang physician ay nagbibigay ng nararapat na intervention para sa PWUDs.
- Kung ang PWUD ay may co-occurring comorbidities (other than substance use disorder), siya ay isasangguni sa isang special facility para sa treatment.