Quezon City Anti-Drug Abuse Advisory Council The QCADAAC is the lead agency in Quezon City tasked with the implementation of a total and integrated program designed to curb the drug abuse problem.

Ang One-Stop-Shop ay konseptong inilunsad ng Quezon City Anti-Drug Abuse Advisory Council upang maging madali at abot kamay para sa kapakanan ng ating mga Persons Who Use Drugs (PWUDs). Ito aty makakatipid sa oras, mas mabilis at mabisa, at isa rin itong paraan upang hindi makaabala sa kanilang pang araw araw na buhay.


Proseso ng one-stop-shop

  1. Friendly House-to-House Visitation
    • Ito ay isinasagawa ng QCADAAC Drug Clearing Team, PDEA, QCPD, Barangay, at ibang pang concerned organizations.
    • Iniimbitahan rito ang mga PWUDs na nasa watchlist upang makapag-ugnayan at dumalo sa programa.
  2. Profiling
    • Ito ay isinasagawa ng QCADAAC Drug Clearing Team, PDEA, QCPD, Barangay, at ibang pang concerned organizations.
    • Ang IDAPS ang tanging nakakahawak ng mga personal data ng ating mga PWUDs para sa record.
  3. Drug Testing
    • Pagkatapos ng Profiling, ay magkakaroon ng Drug Test monitoring.
  4. Screening
    • Ang Screening ay isinasagawa ng ating trained Screening, Brief Intervention and Referral to Treatment (SBIRT) Providers.
    • Ginagamit rito ang ASSIST Tool o ang Alcohol, Smoking, Substance Involvement Screening Test kung saan ay malalaman ang risk at tamang intervention para sa mga PWUDs.
  5. Drug Dependency Evaluation
    • Ang DDE ay isinasagawa ang Department of Health (DOH) Accredited Physician.

Paano mag-apply para sa one-stop-shop services?

  1. Gumawa ng request letter for One Stop Shop.
    • Address to Sir Gian G. Sotto
    • Thru to Mr. Alfredo M. Foronda
    • Contact person
  2. Ipasa ang request letter sa QCADAAC receiving section (Legislative Hall, Ground Flr.)
  3. Manggagaling sa Drug Clearing section ang confirmation ng schedule.

Paano mag-apply para sa drug cleared status:

  1. Magpasa ng Quarterly Revalidation
    • Updated Documents (Color-Coded watchlist attachments)
    • Ipasa ito sa QCADAAC Office (Ground Flr., Legislative Building, Quezon City Hall)

Partner Agencies